|
|
6:54 PM
Friday, December 19, 2008 Stupid ako. (Boy, am I not surprised!) Katangahan ang nangyari sa akin ngayong araw na 'to. Unang-una, nagsleep-over ako sa bahay nina Liam. Eh, sosyal sila, naka-kama, kaya medyo comfortable ako. So ayun, todo tulog ako. At dahil sa katutulog ko, hindi ko namalayang lunch time na. Kaya 'yun, sinermonan ako ni Tita Yumi. Sorry ulit, Tita. :D Pangalawa: Eh 'di ayun nga nagsleep-over ako. Ang problema, comfy 'yung kama, kaso nung paggising ko, nahulog ako sa sahig. Ang sakit tuloy ng likod ko. Pangatlo: Nandito na 'yung bike ni Darcey. Maganda siya. Astig. Problema nga lang, mas matangkad 'yun kaysa sa una kong naging bike. Kaya may naa-outbalance ako palagi. Tapos, eto na. May epal na pusang nasa gitna ng daan habang nagba-bike ako. Syempre, todo swerve naman ako. At, nasubsob ako sa may puno. "Yehey!" sabi nga nung kapitbahay namin. Pang-apat: Nakita ko 'yung kaklase ko dati. Kaso, nung una, hindi ko alam na siya 'yun, kasi wala akong salamin. Nung tinawag niya 'yung pangalan ko, lumingon ako tapos nag-hi, kasi alam ko naman na kakilala ko 'yun. Tapos bigla siyang tumawa. Tinanong ko kung bakit. Ang sabi niya, wala raw siya sa likod, nasa harap daw siya. Ano ba 'yan, pati pandinig may problema na rin ako. Panglima: Don't worry, this is the last bad luck I've recieved for today. :D Naglalaro ako ng basketball. Mag-isa. Tinry kong magthree point, kasi ang tagal ko nang hindi nagti-three point. Eh, hindi nashoot. Buti na lang ako lang mag-isa. 'Yun ang akala ko. May biglang tumawa. Nung lumingon ako, si Panget pala 'yun. Tatakbo sana ako para bugbugin siya (naks, bugbugin daw. Parang kaya ko naman 'yun.), pero natalisod ako. I fell flat on my face. And the rest was history. Again, a nonsense post. Don't mind it. |